Saturday, September 27, 2008

Walang Pera


Last Friday, hindi ako pumasok dahil sa stomach pain dahil sa drinking session nang Thursday night. So, nagstay lang ako sa bahay at malaon ay naisip ko na mamasyal sa SM Marilao dahil sa ilang kadahilanan: 1) Nagrequest si Kuya Eric na bigyan ko ng tuta si Ate Dulce pag nanganak si Lei. E, 3 months na ang nakakalipas at malaki na si Kagome kaya sa wakas, hinatid ko na sya kay Ate Dulce. 2) Pambawi kay Nanay dahil 3am na ako umuwi at nagising sya para pagbuksan ako ng pinto, tapos gumising pa ulit sya ng 430 para gisingin ako.

So ayun, namasyal nga kami sa SM kasama si Nanay, Angel, Kuya Dong, at Eric. Naglaro lang kami sa Quantum, bumili ng footwear at pants, at kumain sa Pizza Hut.

Habang nakasakay kami sa jeep pauwi, may pumasok na lalaki sa jeep. Eto yung mga nagbibigay ng letter para manghingi ng tulong-pinansiyal. So habang nageexplain sya, tinanong ako ni Angel, habang nakakandong sya kay Nanay at nasa harapan nya ako.

Angel: Mommy, ano ‘to?
Nysa: Ah, nanghihingi lang sila ng pera, donation para sa grupo nila.
Angel: Ah.. whee, wala namang pera si Nanay.

At nagtawanan ang mga nakasakay sa jeep.

No comments:

Post a Comment